Erich Gonzales, producer na rin ng pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 06:55 PM

MAYNILA -- Sa kabila ng busy at hectic na taping schedule para sa kanyang teleseryeng "The Blood Sisters," nakaya pa rin ni Erich Gonzales na mag-training para sa kanyang indie na pelikulang “We Will Not Die Tonight.”

Kuwento ni Erich sa guesting niya sa "Tonight with Boy Abunda" nitong Lunes ng gabi, dumaan siya sa matinding self-defense training para sa proyekto.

Watch more in iWant or TFC.tv

“Nag-training po tayo ng Muay Thai, ng paghawak ng balisong, ng baril, lahat po, ng self-defense,” ani Erich.

“Lahat ng fight scenes, lahat ng stunts, ako po ang gumawa noon,” dagdag pa niya.

Bukod sa pagiging aktres, ibinahagi rin ng Kapamilya star ang kanyang experience bilang co-producer kasama ang direktor na si Richard Somes.

“Pa-involved po sa lahat, naks! (laughs). Kasi nung pinresent sa akin ni Direk Richard 'yung film, nagustuhan ko po 'yung film. Sabi ko, ‘Gawin na natin ‘to, pagtulungan na natin,’" kuwento ni Erich.

Kasama sa kaniyang responsibilidad bilang co-producer ang financial side ng pelikula. 

 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

“Yung part ko po, ako po 'yung naglabas ng budget para po sa principal photography and then, 'yung sa editing part, sila direk na and tulong-tulong na din po para mabuo po,” pahayag ni Erich.

Matapos ang kanyang proyekto, nasa plano din daw ni Erich na ipagpatuloy pa ang pag-produce ng pelikula.

Isa ang “We Will Not Die Tonight” sa eight official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood simula Agosto 15.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.