Jake Cuenca, napiling bagong Lizardo sa 'Ang Panday'

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2017 02:09 PM | Updated as of Jul 24 2017 02:51 PM

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca) on

MANILA -- Si Jake Cuenca ang napili na gaganap na Lizardo, ang mortal na kalaban ng bidang si Flavio (Coco Martin) sa pelikulang "Ang Panday."

Sa panayam ni ABS-CBN News reporter Jeff Fernando, nagpasalamat si Jake sa pambihirang pagkakataon na ibinigay sa kanya.

Si Lizardo ay unang ginampanan ng beteranong kontrabidang si Max Alvarado sa orihinal na pelikula ni Fernando Poe Jr. 

Naging Lizardo rin si Philip Salvador noong 2009 na pelikula na pinagbidahan naman ni Ramon "Bong" Revilla Jr.

"Nagpapasalamat na lang ako kasi hindi ako nagpagupit before I did this movie. But I'm really excited with 'Ang Panday.' I'm excited working with Coco at sa iba pang malalaking artista," ani Jake.

Bilang bagong Lizardo, pinapangako ni Jake na ibibigay niya ang lahat para sa kanyang bagong karakter.

"Iibahin ko talaga .... on my own way. Like I said, when I do kontrabida I really do it well. And kapag pinagsasama kami ni Coco, it's magical, sumasabog. And it’s about time to do it in a movie tapos 'Ang Panday' pa," ani Jake na masaya sa mga pagganap niya bilang kontrabida. 

Maliban sa "Ang Panday," bida rin siya sa 13th Cinemala entry na "Requited." Isa din si Jake sa mga aktor ng seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin" na pinagbibidahan naman ni Kim Chiu at Gerald Anderson. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.