PANOORIN: Yam Concepcion, tinakot si Kim Chiu sa 'Love Thy Woman'

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2020 11:51 AM

MAYNILA -- Naging matindi ang tagpo sa sikat na serye ng ABS-CBN na "Love Thy Woman" nitong Martes nang nakuha ng bidang karakter na si Jia (Kim Chiu) ang kustodiya sa anak nila ni David (Xian Lim) mula sa kinilala nitong ina na si Dana (Yam Concepcion).

Matatandaang ang ina ni Dana na si Lucy (Eula Valdez) ang dahilan kung bakit nawalay kay Jia ang anak niyang si Michael. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi naman naging madali para kay Dana ang naging hatol ng korte, dahilan para takutin niya si Jia sa pamamagitan ng pagtutok ng baril. 

Gamit naman ang hashtag ##LTWBawiin, ipinahayag ng mga netizen ang kanilang saloobin sa matinding eksena sa serye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.