Shanti Dope, Chito Miranda at Gloc 9, may nilulutong proyekto

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 03:28 PM | Updated as of Jul 23 2019 03:48 PM

MAYNILA -- Isang bagong awitin ang inihahanda nina Chito Miranda, Gloc 9 at teen rapper Shanti Dope.

Sa Instagram post ng Parokya Ni Edgar vocalist, ibinahagi nito ang isang larawan kasama sina Gloc 9 at Shanti Dope.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr) on

"May bago kaming niluluto," patikim ni Chito sa post.

Unang nagsama si Gloc 9, Parokya Ni Edgar at Shanti Dope nitong Pebrero sa isang event sa UP Diliman kung saan inawit nila ang "Bagsakan" na unang pinasikat ng Parokya Ni Edgar, Gloc 9 kasama si Francis Magalona.

Si Shanti Dope ay nadiskubre ni Gloc 9 at nakilala sa mga awiting "Amatz" at "Nadarang."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.