Liza sa pagkakapili kay Jane de Leon bilang Darna: 'Perfect match'

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 04:24 PM | Updated as of Jul 23 2019 09:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inihayag ni Liza Soberano ang kaniyang pagkatuwa sa pagkakapili kay Jane de Leon bilang bagong Darna, isang papel na binitiwan ng aktres matapos magtamo nang malubhang injury sa daliri.

Para kay Soberano, nahanap ng Star Cinema kay De Leon — na isa ring Star Magic talent — ang perpektong gaganap sa Pinay superhero.

"I don’t want her to think that I might be a little bit sad that I’m not doing it anymore. I’m completely happy that she’s doing it, and I’m happy for Star Cinema," sabi noong Lunes ni Soberano sa panayam ng ABS-CBN News.

"I was kind of nervous that they might not find someone as soon as they needed, and I’m really happy that they found her. I feel like they found the perfect match," dagdag niya.

Balik-bansa noong Lunes si Soberano matapos mamalagi sa Amerika sa loob ng higit 2 buwan para sa operasyon ng kaniyang daliri.

Ayon kay Soberano, 2 buwan pa siyang hindi magtatrabaho dahil patuloy pa rin ang paggaling ng kaniyang daliri. Sasailalim din umano siya sa occupational therapy. 

Nakatakdang magpatuloy sa trabaho si Soberano sa Setyembre, kung kailan sisimulan ang pag-shoot ng bagong serye nila ng kaniyang on-screen partner at nobyo na si Enrique Gil.

Huling nagsama sa telebisyon sina Soberano at Gil para sa 2018 fantasy series na "Bagani," kung saan nakuha ni Soberano ang finger injury.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.