Jaya, napaiyak dahil sa kanyang stepson

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 11:43 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi na napigilan ni Jaya ang maging emosyonal dahil sa mensahe ng kanyang stepson na si Gavin Gotidoc.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, naging panauhin si Jaya sa programa kasama si Gavin, anak ng kanyang asawang si Gary sa dati nitong karelasyon.

Kuwento ni Jaya, walong taon pa lamang si Gavin nang ipakilala ito sa kanya ni Gary.

"I never dated anyone na may anak. Sabi niya (Gary), 'He's really nice. He's only eight years old. Don't worry about him, he's going to love you.' As soon as we saw him palabas ng eroplano, nandoon kami sa bungad lang, naka-smile na siya. That's it. The minute we saw each other, we hugged and that was it, we are instantly okay," ani Jaya.

Tuluyan namang lumuha si Jaya nang marinig ang mensahe ni Gavin para sa kanya.

Ayon kay Gavin labis ang pasasalamat niya na kay Jaya na hindi siya itinuring na iba.

"That's why I'm glad that I'm here right now. You don't really see how much I appreciate you ... but yeah, I'm super, super thankful for Jaya, Nay," ani Gavin.

"Thank you for accepting me as your son even though we are not blood. I never feel like I'm ever not treated the same like Sab and Dylan. I thank you for that. I know a lot of my friends they have stepparents and it's just bad relationship. But with us, you really made me feel welcome, especially into your house. ... You've been awesome," ani Gavin.
 
Para kay Jaya, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na kasama niya si Gavin na itinuturing niyang isang tunay na anak.

"Gavin, you know it was something that I didn't understand at first being a mom just to Sab and Dylan because I really didn't want to become a mom. When I had them, of course, that was the greatest blessing God could have ever given me because He knew I didn't have a family. So He gave me that. And then you being just the nicest kid at eight years old, your big smile at that airport really changed my world because I knew at that moment that I was doing something right. I just don't want you to ever feel that you are a stepson, you are my son and I'm just thankful to God that you are here with us," ani Jaya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.