Jackie Forster, proud nanay kay Kobe Paras

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 03:58 PM


MAYNILA -- Proud nanay si Jackie Forster para sa achievement ng kanyang anak na si Kobe Paras.

Sa Instagram, ibinahagi ni Jackie ang inalay na tropeo sa kanya ng anak matapos nitong makuha ang Most Valuable Player (MVP) award sa naging laban nito sa Buddha's Light International Association (BLIA) Cup sa Taiwan noong Linggo, Hulyo 21.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

"Landed in Manila at 4:20 a.m. to this, so proud of and happy for you. You've worked so hard for this my love," sabi pa ni Jackie sa kanyang post.

Sa post ni Jackie, sumagot din si Kobe na sinabing "I love you mama. It's ain't over yet ma."

Matatandaan na Abril 2018 nang muling magbalik ang komunikasyon ni Jackie sa kanyang dalawang anak kay Benjie Paras na sina Andre at Kobe matapos ang 12 taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.