Ice Seguerra, inamin na nahirapan mapalapit sa anak ni Liza Diño

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 07:07 PM | Updated as of Jul 23 2019 07:21 PM

MAYNILA -- Sa naging pagbisita ni Ice Seguerra sa "Magandang Buhay" nitong Martes, binalikan niya ang tila isa sa naging hamon sa kaniya para mapalapit sa anak ni Liza Diño na si Amara.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Ako din mismo, may trauma sa bata. Kasi there was a point when I was younger na I had a girlfriend who had a kid na lumabas siya na ako 'yung nandoon, so parang baby ko talaga. And then noong nag-split kami I was heartbroken, kasi feeling ko nawala 'yung baby sa akin," kuwento ni Ice.

Aminado si Ice na hindi ito naging madali sa kanya na labanan ang kanyang takot na mapalapit sa bata.

"Sabi ko noon sa sarili ko, 'It's not mine. Sorry, but you will not get me.' Hindi mo ako makukuha nang buo," sabi ng singer sa sarili noon. 

Dahil sa bukas na komunikasyon kay Liza at sa tunay na ama ni Amara, nalagpasan ni Ice ang takot na ito na gampanan ang pagiging tatay sa nag-iisang anak ni Liza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

"We talked about everything, as in our communication is very open even with Amara's dad in the States. Kumbaga if there’s a decision to be made it’s all us who will decide," aniya.

"We make sure na walang siraan, 'yung hindi namin sinisiraan 'yung other party... We want her to grow up feeling na hindi ka nawalan ng family but nagkaroon ka pa ng bago, nadagdagan pa," patuloy ni Ice.

Bilang tumatayong tatay, hindi din nagkulang si Ice sa paggabay kay Amara.

"Parang he always made sure that I'm respectful, good manners, good grades. He's not really pressing on grades pero manners lang po," ani Amara.

Matatandaan sa mga naging panayam noon kay Ice inamin niya na "old school" ang kanyang pamamaraan ng pagpapalaki kay Amara.

"Hindi ako mahigpit na 'o hanggang 10 o'clock ka lang manood ng show.' Basta gusto ko alam ko responsibilidad mo, 'pag natulog ka nang late, make sure gising ka for school. Kahit manood ka ng TV buong araw, huwag mo akong pakitaan ng low grades," ani Ice.

Watch more in iWant or TFC.tv

Hindi na rin naiwasan na maging emosyonal ni Amara nang pasalamatan niya si Ice na tinuturing niyang ama ngayon.

"I’m very grateful po, for my Baba [Ice Seguerra] kasi he has helped me so much and I really really love him. I treated him as my real family. It doesn’t matter, blood or whatever. It’s how you treat each other, that’s what matters," ani Amara.

"I promise to grow up na mabuti, like good, like really good, like awesome,” dagdag pa niya.

Umaasa naman si Ice na bilang magulang magiging maayos ang kanyang pagpapalaki sa nag-iisang anak ni Liza.

"I know you. Keep that promise, kasi I'm really confident siguro if there’s one thing I’m proud of, I’m very confident of how Liza and I and Ken brought up Amara, alam namin that she has a very, very good heart, wala akong fears,” ani Ice.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.