Bandang Side A, may bagong 'hugot' na awitin

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2019 11:46 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Isang bagong awitin ang handog ng bandang Side A.

Nagbahagi ang banda tungkol sa kanilang bagong "hugot" song sa naging pagbisita nila sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes.

"We just came out with this new single entitled 'No More Tears.' So 'yun nga hugot song ito written by our guitar player Leevon under Ivory Music," ayon sa bokalista ng banda na si Yubs Esperat.

Sa kanilang bagong awitin, nakasama ng grupo ang mang-aawit na si Keiko Necesario.

"Super surreal. Pagdating ko sa studio, sabi ko, 'Wow, nangyayari ba ito?' Sobrang saya. I think it's a dream also, a dream come true," ani Keiko.

Nakilala ang Side A sa mga awitin nila na "So Many Questions," "Tell Me" at "Forevermore."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.