PatrolPH

Empoy, naging emosyonal sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 12:34 PM

Watch more on iWant or iWantTFC

MANILA -- Sa bihirang pagkakataon, isang emosyonal na Empoy ang nakita ng mga manonood sa naging pagbisita niya sa "Magandang Buhay."

Nitong Lunes, naging seryoso ang komedyante nang pasalamatan siya ng kanyang nakababatang kapatid sa lahat nang nagawa niya para sa kanilang pamilya.

"I am the center kasi sa family. Sobrang proud ako sa sarili ko kasi hindi lang ako 'yung center sa pamilya ko. Mula dati noong pagkabata ko ay sentro din ako sa lahat ng mga kaibigan ko. Ako 'yung nasa gitna kung bakit sila magkakakilala ngayon," ani Empoy.

"Thankful po ako sa mga ganoong pagkakataon," dagdag ni Empoy na ibinahaging dating nahiwalay sa kanyang mga kapatid.

"Watak-watak talaga pero pinipilit kong dalawin sila isa-isa. ... Tsini-check ko kung kamusta sila lahat," ani Empoy.

"Mahirap kasi hindi mo alam kung ano ang kinakain ng mga kapatid mo, kung kumakain ba ng tama sa oras ... Masakit man isipin o tanggapin, ganoon talaga ang pagkakataon. Pero hindi ako nawalan ng pag-asawa [tuloy-tuloy] pa rin ako sa pagdarasal na magkakasama kami balang araw. Ito na ang pagkakataon na nanalo ako ng contest noong 2003. Siguro ito ang purpose ni God para mabuklod ko ulit ang napigtas na kuwintas ng pamilya ko," pagbabalik-tanaw ani Empoy.

Matatandaang nagsimula ang karera ni Empoy sa showbiz nang manalo siya sa "Mr. Suave" look-alike contest ng "Magandang Tanghali Bayan" noong 2003.

Sa ngayon, maliban sa "Since I Found You," bibida rin si Empoy sa pelikulang "Kusina Kings" kasama naman si Zanjoe Marudo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.