Coco at Yassi, may kilig moments sa London

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 11:37 AM | Updated as of Jul 23 2018 01:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Kilig-overload ang fans nina Coco Martin at Yassi Pressman sa kanilang naging bonding moments sa Mayfield Lavander Farm sa London.

Gumawa ang dalawa ng video at mukhang nako-conscious pa nga si Coco habang dini-direk siya ni Yassi, ang leading lady niya sa "FPJ's Ang Probinsyano."

Samantala, naging matagumpay naman ang naging show ng "Ang Probinsyano" sa London. Dinaluhan ng napakaraming Kapamilya fans ang Barrio Fiesta in London kung saan nagpasaya ang cast ng serye.

Sa video todo-hataw sa pagkanta sina Coco at kasama nito sa serye na si Lito Lapid.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.