PatrolPH

Moira dela Torre, inilabas ang bagong kantang ‘Babalik Sa’yo’

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2022 08:24 PM

Mula sa ABS-CBN PR
Mula sa ABS-CBN PR

MAYNILA – Inilabas na ang isa pang awitin mula sa serye na “2 Good 2 Be True” na “Babalik Sa’yo” na isinulat ni Moira dela Torre at dating asawa nito na si Jason Hernandez. 

Inilabas na sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music ang “Babalik Sa’yo” na panibagong mapakikinggan sa serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. 

Lumabas ang nasabing kanta, na ginawa mismo nina Dela Torre at Hernandez para sa serye, ilang buwan matapos ang kanilang hiwalayan. 

Watch more News on iWantTFC

Tungkol ang “Babalik Sa’Yo” sa pagdating ng hindi inaasahang pag-ibig at pagnanais na gawin ang lahat makapiling lang ang minamahal. 

Nitong Huwebes, inilabas na rin ni Dela Torre ang lyric visualizer ng kanta niyang “Kumpas” na official theme song ng “2 Good 2 Be True.” 

Naging laman ng mga balita si Dela Torre nang kumpirmahin ni Hernandez na naghiwalay na sila noong Mayo. 

Ikinabigla ng marami ang pag-amin ni Hernandez na nagloko siya sa loob ng tatlong taon ng kanilang pagiging kasal ng award-winning singer. 

Ikinasal sina Dela Torre at Hernandez noong Enero 2019.

Kaugnay na videos:

Watch more News on iWantTFC

 

Watch more News on iWantTFC
Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.