PANOORIN: Coco Martin at Richard Gutierrez, nagharap na sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 12:27 PM | Updated as of Jul 22 2020 08:24 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Kakaibang pakiramdam para sa mga manonood ang naging tagpo sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" nitong Martes nang makaharap ng bidang karakter na si Cardo Dalisay (Coco Martin) ang dating nobyo ng kanyang asawang si Alyana (Yassi Pressman) na si Lito Valmoria (Richard Gutierrez).

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago ang naging paghaharap nina Cardo at Lito ay una nang ipinaalam sa mga manonood ang matinding pagmamahal ni Lito kay Alyana na naging dahilan para magsumikap siya at yumaman. Ilang taon ding umasa si Lito sa muli nilang pagkikita ng dating nobya.

Muling nagkita sina Alyana at Lito dahil kinailangang magtago muli nila Cardo sa probinsiya, kasama ang mga kasamahan sa Task Force Agila.

Ito ay matapos na pagtangkaang muli ang buhay ni Cardo at kanyang pamilya ng mga kalaban na sina Lily Ann Cortez-Hidalgo (Lorna Tolentino), ang mapagpanggap at masamang Unang Ginang, at tiwaling hukom na si Arturo Padua (Tirso Cruz III).

Gamit ang hashtag #FPJAP4CardoAtLito, ipinahayag ng mga manonood ang kanilang reaksiyon sa matinding tagpo sa serye na ang karamihan ay nakikisimpatiya sa sakit na nararamdaman ni Lito nang malamang may iba ng mahal ang babaeng hinintay niya ng kay tagal.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.