Joshua Garcia, nagbigay na rin ng saloobin?

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 05:09 PM | Updated as of Jul 22 2019 08:19 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

MAYNILA -- Kasabay ng pinag-uusapan na social media post ng aktres na si Bea Alonzo, isang simple at malaman na pahayag naman ang binitawan ng aktor na si Joshua Garcia.

"I'm mute," pahayag ni Joshua sa burado na post sa Instagram story.

Isa si Joshua sa mga nag-like ng kontrobersyal na post ni Bea nitong Linggo kung saan tila napuno na ang aktres. Dahil sa post na ito, naging trending topic din sa Twitter ang nobyo ni Bea na si Gerald Anderson, at ang dating girlfriend ni Joshua na si Julia Barretto.

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang ipalabas ang pelikula nina Gerald at si Julia na "Between Maybes."

Taong 2016 nang nabuo ang tambalan ni Joshua at Julia na mas nakilala bilang JoshLia. Nagsama din sila sa ilang proyekto tulad ng "Vince, Kath and James', "I Love You Hater", "Love You to the Stars and Back" at "Unexpectedly Yours."

Dahil sa kanilang nabuong chemistry, naging malapit sa isa't isa sina Joshua at Julia na umabot sa aminan ng tunay na estado ng kanilang relasyon.

Gaya ng maraming nagmamahalan dumaan din sa pagsubok ang dalawa. Matatandaan sa isang panayam kay Joshua sa "Tonight With Boy Abunda" emosyonal siyang umamin na may pinagdadaanan sila ni Julia.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasunod nito, inamin ni Joshua at Julia na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang hindi pagkakaintidihan. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Simula noon tila nanlamig na sa isa't isa si Joshua at Julia. Sa huling panayam sa aktor ng ABS-CBN News, sinabi niya na matalik na lang silang magkaibigan ng aktres.

Sa ngayon, kasalukuyan na tinatapos nina Joshua at Julia ang pelikulang "Block Z" na kanilang pinagbibidahan.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.