'Hello, Love, Goodbye', Graded A ng Cinema Evaluation Board

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 06:52 PM | Updated as of Jul 22 2019 08:30 PM

MAYNILA -- Matapos ang matinding pagsusuri, tumanggap ng positibong grado sa Cinema Evaluation Board o CEB ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" ng Star Cinema.

Sa ibinahaging Facebook post ng Film Development Coucil of the Philippines (FDCP), Graded A ang nakuhang antas ng "Hello, Love, Goodbye" mula sa mga manunuri ng pelikula.

 

Magandang balita ito hindi lamang sa bumubuo ng pelikula kundi na rin sa mga nag-aabang na makakapanood ng unang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa darating na na Hulyo 31, mapapanood na ang "Hello, Love, Goodbye" sa mga sinehan sa Pilipinas sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.