Bea, Angelica at Richard, sanib-puwersa sa isang pelikula

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 12:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Magkakasama sa unang pagkakataon sa pelikulang "Man Woman Wife" ng Star Cinema sina Angelica Panganiban, Richard Gutierrez at Bea Alonzo.

Sa panayam pagkatapos ng story conference para sa nasabing pelikula, kita agad ang magandang chemistry at biruan ng lead stars kung paano sila nakuha sa proyekto.
 
"Nag-audition po kami," birong hirit Bea.

"Nag-audition tapos nagbunutan," ani Angelica.

"Parang Darna audition ito, mas matindi pa siya sa Darna audition," makulit na hirit ulit ni Bea.

"Hintayin niyo 'yung huling mga cast na papasok, ia-announce namin," dagdag ni Angelica.

Si Richard Gutierrez naman, looking forward na simulan na ang proyekto.

"Siyempre exciting. Ayun fresh pairing. Matagal ko na rin silang gustong makatrabaho and parang magkaka-generation kami. And this is what I'm looking forward to coming here sa ABS-CBN," ani Richard.
 
Aminado si Bea na tagahanga siya ni Angelica.
 
"I've watched most of her movies. Alam niya naman fan ako. Talagang excited ako na makatrabaho siya," ani Bea.

"Tinuturuan ko naman siya eh," sagot naman ni Angelica.
 
Target na maipalabas ang pelikula sa huling bahagi ng 2019.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.