Angelica Panganiban, nilinaw ang real score sa kanila ni Cholo Barretto

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 07:08 PM

MAYNILA -- Binigyang diin ang aktres na si Angelica Panganiban na wala siyang panahon para sa pag-ibig ngayon.

Kasunod ito ng pagkalat ng tila malisyosong balita sa kanila ng kaibigan na si Cholo Barretto na nakasama niyang magbakasyon sa Siargao kasama pa ang ilan nilang mga kaibigan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on

"Natawa lang ako," ani aktres sa naganap na story conference ng kanyang bagong pelikula kasama si Richard Gutierrez at Bea Alonzo.

Aniya, sanay na siya sa pagbibigay-malisya ng mga tao sa kanyang mga ginagawa.

"Ganun naman ang mga tao e.' Malisyosa talaga ang mga tao. Kahit naman ako malisyosa din naman ako, 'di ba? Pwede ko din pagdudahan 'yun pero anong gagawin ko? Anong reaction ang gagawin ko? Wala naman akong ginagawa," paliwanag ni Angelica.

Bukod kay Cholo Barretto, binigyang linaw din ng aktres ang kumalat na mga larawan kung saan may kayakap siyang foreigner habang nagbabakasyon sa Amerika.

"Hindi ako in love," diin ng aktres.

Paliwanag ng aktres, kaibigan lang din niya ang foreigner sa larawan.

"May mga kaibigan siyempre akong nakikilala kapag bumibyahe ako. Wala naman siguro masama doon," dagdag ni Angelica.

Wala rin daw siyang nakikitang mali sa pinagusapang larawan ng kanyang mga fans.

"Ang tao talaga abroad, medyo hindi sila ganun ka conservative. I mean very expressive sila sa mga ginagawa nila. So I don’t see any harm naman doon sa (picture)," pahayag ng aktres.

Sa ngayon naghahanda na si Angelica sa kanyang pagbabalik-pelikula.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.