‘Mas maraming fans na masaya’: Ama ni Kathryn, ikinatuwa ang pagsasanib-puwersa nila ni Alden

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 02:51 PM | Updated as of Jul 22 2019 09:08 PM

MAYNILA -- Proud tatay ang ama ni Kathryn Bernardo na si Daddy Ted na todo ang suporta sa bagong pelikula ng anak.

Sa naging panayam ng PUSH sa ama ni Kathryn sa "Hello, Love, Goodbye" promo sa SM Skydome nitong Sabado, pinuri nito ang nagng pagsasama nina Kathryn at Alden sa pelikula.

"Mas gusto ko 'yun, walang tie-up (na love team) para mas masaya. Mas maraming fans na masaya," ani ng ama ni Kathryn sa panayam.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

At bilang tatay, nahingan din ng komento ang ama ni Kathryn sa mga nagsasabing kakaiba ang acting dito ng kanyang anak.

"Siguro. Sana para umpisa na uli nung magandang pick-up," pahayag pa ng ama ni Kathryn.

Mapapanood ang "Hello, Love, Goodbye" sa Hulyo 31 sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.