PANOORIN: Richard Gutierrez at Yassi Pressman, nagtagpo na sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2020 11:35 AM

MAYNILA -- Ibang kilig ang naging tagpo sa sikat na serye ng ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" nitong Lunes nang muling nagtagpo ang dating magkasintahan na sina Lito Valmoria (Richard Gutierrez) at Alyana (Yassi Pressman) na asawa ng bidang karakter na si Cardo Dalisay (Coco Martin).

Watch more in iWant or TFC.tv

Matatandaang, kinailangang magtago muli nila Cardo sa probinsiya, kasama si Alyana at mga kasamahan sa Task Force Agila matapos ang tangkang pagpapatay muli kay Cardo ng mga kalaban na sina Lily Ann Cortez-Hidalgo (Lorna Tolentino), ang mapagpanggap at masamang Unang Ginang, at tiwaling hukom na si Arturo Padua (Tirso Cruz III).

Gamit ang hashtag #FPJAP4MulingPinagtagpo, ipinahayag ng mga manonood ang kanilang reaksiyon sa pinakabagong tagpo sa serye.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.