Ina ni Angeline Quinto, sumailalim sa operasyon

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 02:23 PM | Updated as of Jul 21 2019 04:26 PM

MAYNILA -- Nagbigay update ang singer na si Angeline Quinto tungkol sa kasalukuyang lagay ng kanyang Mama Bob na sumailalim sa isang operasyon nitong Sabado, Hulyo 20.

Bago ang operasyon, humingi ng karadagang panalangin ang singer para sa kanyang Mama Bob na sasailalaim sa Pacemaker replacement surgery.

"Today na po ang operation ni Mama Bob para sa replacement ng Pacemaker niya sa puso after 10 years. Sana po isama niyo ang Mama Bob ko sa mga prayers niyo pati rin po ang mga soctors. Maraming Salamat po," sabi pa ni Angeline sa tweet.

At nitong Linggo, masayang ibinahagi ng singer sa pamamagitan ng Instgram story ang kasalukuyang lagay ng kanyag ina.

"Praise God," maikling caption ng singer sa post.

Matatandaan na ang kanyang Mama Bob ang ipinakilalang ina ni Angeline simula noong nanalo siya sa "Star Power" noong 2012.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.