Paglabas ni Ka Tunying sa 'Wildflower,' ikinatuwa ng netizens

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2017 07:54 PM

MANILA -- Madalas mag-viral sa social media ang mga episodes ng afternoon drama series na "Wildflower" dahil sa maiinit na eksena sa pagitan ng mga pangunahing tauhan tulad nina Maja Salvador at Aiko Melendez. 

Talagang mahusay ang pagkakaganap nila sa kanilang mga karakter, at ganun din ang batikang aktor na si Tirso Cruz III at mga hunks na sina RK Bagatsing at Joseph Marco. 

Pero sa episode nitong Biyernes, mataas ang trending ng #WildflowerTapatan sa Twitter dahil sa cameo appearance ng broadcast journalist na si Anthony Taberna o mas kilala bilang "Ka Tunying."

Ginampanan ni Ka Tunying ang pag-host ng isang debate sa pagitan ng mga karakter nina Bagatsing at Marco na pinaglalabanan ang pagka-gobernador. Samu't-sari ang reaksiyon ng netizens sa acting stint ni Ka Tunying. May ibang nagulat sa kanyang pagsali sa serye, pero marami namang aliw na aliw dahil talaga namang "in character" ang journo. 

Balikan natin ang mga eksena sa video na ito: