Ryza Cenon, ipinahatid ang suporta sa ABS-CBN at mga empleyado nito

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2020 12:24 PM | Updated as of Jul 20 2020 12:25 PM

MAYNILA -- Naniniwala ang aktres na si Ryza Cenon na ang nangyayari sa ABS-CBN at sa mga naapektuhang empleyado nito ay nagmulat para malaman kung sino ang mga taong may pakialam sa kapwa at bayan at kung sino ang mga sakim.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

"Ang liwanag na hatid mo sa aming lahat ang s'yang nagbigay ng linaw kung sinu-sino ang nararapat at hindi nararapat. Kung sino ang sakim sa sarili nilang bayan at kung sino ang may malasakit sa taong bayan. At higit sa lahat, pinakita mo sa amin ang mga totoong kulay ng kanilang budhi," ani Ryza.

Ipinahatid din ng aktres ang kanyang suporta para sa laban na maibalik ang ABS-CBN.

"Lumaban ka hanggang sa huli, kaya’t lalaban kami para sa 'yo hanggang sa huli.. hindi man kami sama-sama sa pakikipaglaban ngunit iisa ang sinisigaw ng aming mga puso," dagdag ni Ryza na ngayon ay buntis sa kanyang unang anak.

Si Ryza ay isa sa mga bituin ng seryeng "The General's Daughter" na pinagbidahan ni Angel Locsin, na isa sa aktibong lumalaban para maibalik ang Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.