Mensahe ni Liza Soberano sa bagong Darna: 'She can always talk to me'

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 11:34 AM

MAYNILA - Handang magbigay ng panahon ang aktres na si Liza Soberano para kay Jane De Leon, ang napiling papalit sa kaniya bilang Darna.

"I messaged her as soon as I found out and told her if ever she feels the weight of responsibility bestowed upon her she can always talk to me," sabi ng aktres.

Miyerkoles nang inanunsiyo ang pangalan ni De Leon bilang bagong papapel sa iconic role ni Darna. Isa ang 20-anyos na dalaga sa 300 nag-audition para sa nasabing role.

Papalitan ni De Leon si Soberano na umatras sa pagganap na Darna matapos na magtamo ng finger injury sa seryeng Bagani.

Malaki naman ang paniwala ni Soberano na kinakatawan ni De Leon ang pagiging Darna.

"I'm so happy for Jane De Leon and Star Cinema. I believe she embodies everything Darna possesses. Beauty, brains, strength, empathy and kindness," sabi niya.

Nananabik din si Soberano sa napipintong tagumpay ng pelikula.

"I’m so excited for her career and to watch the movie! I can already feel Darna’s success," dagdag niya.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.