'My heart breaks': Anne Curtis nakiisa sa ABS-CBN employees

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2020 11:38 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

MAYNILA — Tila nadurog ang puso ng "It's Showtime" host na si Anne Curtis sa social media posts ng kaniyang mga kaibigan at katrabaho sa ABS-CBN, na nagsimula nang magbawas ng mga empleyado matapos mapatay ang franchise application ng kompanya.

Sa isang Instagram post nitong Sabado, sinabi ni Curtis na hindi niya maunawaan kung paano hinayaan ng mga nasa kapangyarihan na magsara ang isang kompanya at mawalan ng trabaho ang mga tao.

"To my friends and colleagues at ABS-CBN, I see your posts here on Facebook, Instagram and Twitter and my heart breaks along with you," sabi ni Curtis, na nasa Australia pa rin, sa caption ng kaniyang post.

"How is allowing a company to shut down and people losing jobs they love, a solution to what already is a crazy time?" aniya.

"How do they sleep at night knowing that because of their decision, people are now suffering from sadness, anxiety, panic and are just scared for what will happen next?"

Ayon kay Curtis, bagaman hindi siya nakasama sa malawakang protesta para sa ABS-CBN kahapon, tumitindig siya kasama ang mga empleyado at supporters ng Kapamilya network.

Nasa Australia na si Curtis, kasama ang kaniyang pamilya, mula nang magkaroon ng pandemya.

"I may not be there physically to stand with you... but know with all my heart I stand with you and share your sadness," aniya.

Noong Hulyo 10, pinatay ng House committee on legislative franchise ang aplikasyon ng ABS-CBN Corp. para sa panibagong 25-year franchise kahit hindi naman ito nakitaan ng paglabag sa anumang regulasyon o batas ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.