PANOORIN: Kathryn Bernardo, ibinahagi ang mga plano sa hinaharap

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 01:32 PM | Updated as of Jul 19 2019 04:07 PM

MANILA -- "Hindi na." 

Ito ang sagot ni Kathryn Bernardo sa tanong kung nakikita niya pa ba ang sarili bilang aktres sa susunod na 20 o 30 taon.
 
Nagbukas si Kathryn tungkol sa mga plano niya sa hinaharap sa vlog ng kaibigan at kapwa-artista na si Erich Gonzales.

Sa nasabing video, humarap si Kathryn sa "Yes or No" challenge ni Erich.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Hindi na, no na. Fifty-three na ako noon. Baka sobrang tanda ko na noon. Nagbe-bake na lang ako noon, travel. Grabe 50, wala na," ani Kathryn, na 23 taong gulang na ngayon. 

Sinagot din ni Kathryn kung gusto pa rin niyang makasal sa edad na 26.

"Maybe engaged sa 26 [years old], 27 kasal," aniya. "Ayaw ko ng too late rin."

Dagdag ng aktres, gusto niya ng beach wedding at magkaroon ng tatlong anak. 

Bida sina Kathryn at Alden Richards sa pelikula ng Star Cinema na "Hello, Love, Goodbye" sa ilalim ng direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Sa Hulyo 31 magsisimulang ipalabas ang "Hello, Love, Goodbye."