Jane de Leon binalaan sa magiging hirap sa 'Darna' role

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 08:43 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ngayon pa lang ay pinaalalahanan na ni Direk Jerrold Tarog si Jane de Leon sa hirap na dadanasin niya sa pagganap bilang bagong Darna.

"Sinabi ko naman na mahihirapan siya sa physical na part ng training and willing na willing siya," sabi ng direktor.
    
Kuwento ni Tarog, na sumala sa halos 300 nag-audition para sa iconic role, fresh face talaga ang target upang gumanap sa bagong henerasyong Darna.

Sa mga nag-audition, 10 ang kaniyang na-shortlist pero tatlo lang ang iprinesinta niya sa ABS-CBN management. Gayumpaman, inamin niyang si De Leon talaga ang kaniyang napili.

"May top 3 ako pero pagkatapos ng presentation ko, lahat sila du'n lang sa isa nakatingin. Unanimous naman lahat na si Jane ang napili," rebelasyon ni Tarog.

Sa audition pa lang kasi, nakitaan na niya ng pambihirang husay ang aktres.

"Ang dami kong bagay du'n sa script na hindi ko sinulat pero nasa utak ko lang. Tapos nung ina-act out niya, ginagawa niya ['yung mga nasa isip ko]. Magaling 'yung instincts ng girl na ito, na-impress ako du'n pa lang sa audition. Nage-gets na niya na action siya combined with drama," sabi ni Tarog.

Sa ngayon, excited na ang buong Darna team dahil sa wakas ay makakausad na ang paggawa sa pelikula.

—Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.