Coleen Garcia, ipinakita ang bagong tattoo

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 06:06 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen) on

MANILA -- Isang bagong tattoo ang ipinalagay ng aktres na si Coleen Garcia.

Sa Instagram, ibinahagi ni Coleen ang mga video kung saan kita ang mga salitang "my everything" sa kanang bahagi ng kanyang balakang.

"New ink! Billy's handwriting straight from our wedding vows," ayon sa aktres na asawa ng host na si Billy Crawford.

Sa isa namang video, ipinaliwanag ni Coleen kung bakit baliktad ang pagpapalagay niya ng tattoo.

"So only I can see it," aniya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Maliban sa bagong tattoo, kakaiba naman ang naranasan nina Coleen at Billy sa naging pagbisita nila sa Boracay nang dumaan ang bagyo nito lamang Miyerkoles.

Maliban sa malakas na hangin at pagbuhos ng ulan, saksi rin ang mag-asawa sa naging pagbaha sa isla.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.