Raymart Santiago, leading man ni Judy Ann sa 'Starla'

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 08:12 AM | Updated as of Jul 19 2018 08:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ipinakilala na ang bagong leading man ng aktres na si Judy Ann Santos para sa upcoming teleserye niya na "Starla."
 
Sa Instagram, sinagot ni Dreamscape unit head Deo Endrinal ang tanong ng isang fan kung sino ang leading man ni Judy Ann.

Sagot ni Deo ay si Raymart Santiago.

At sa kanya namang Instagram, ipinasilip rin ni Judy Ann ang kanyang look para sa "Starla" na mas maikling buhok at red lips.