PANOORIN: Kylie Verzosa, balik-Star Patrol

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 09:08 PM

Tumayo bilang tagapaghatid ng mga balitang showbiz ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa. Kuha ni Michael Bagtas, ABS-CBN News

Nagbalik bilang bisitang tagapaghatid ng mga balitang showbiz sa "TV Patrol" nitong Huwebes ang beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa.

Nagsilbing guest Star Patroller ang Miss International 2016 winner at humalili pansamantala kay Gretchen Fullido. Siya ang nagpakilala ng mga ulat tungkol sa Manila concert ni Celine Dion, bagong proyekto nina Kakai Bautista at Ahron Villena, at pagtulak ng ilang "Ang Probinsyano" cast papuntang London.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Huling lumabas si Verzosa bilang Star Patroller noong Disyembre.

Isa si Verzosa sa bida sa darating na pelikulang "Abay Babes," kasama sina Cristine Reyes, Nathalie Hart, Meg Imperial, at Roxanne Barcelo.

Si Verzosa ang ikaanim na Pinay na kinoronahang Miss International.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.