Carmi at Roderick, balik-tambalan sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2018 11:39 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nagbabalik ang tambalan nina Carmi Martin at Roderick Paulate sa telebisyon.

Nitong Miyerkoles, ipinakilala na ang mga karakter nina Carmi, Roderick at Alora Sasam sa sikat na seryeng "FPJ's Ang Probinsyano."

Sa kuwento, kapatid ni Charlene (Alora) si Marjorie (Carmi) na isang empleyado sa City Hall na may gusto sa kaibigan niyang Vice Mayor (Roderick).
 
Sa serye, nakilala na ng mga karakter nina Carmi at Alora ang pamilya ni Cardo Dalisay (Coco Martin).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.