Mga artista dumagsa sa special screening ng 'Kita Kita'

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 02:02 PM

Star-studded ang naging special screening ng pelikulang “Kita Kita” na ginanap sa TriNoma Mall Martes ng gabi. Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy.

Kabilang sa mga nagpakita ng suporta sa pelikula ay si Angel Locsin, na dumating kasama ang napapabalitang nobyo niya na si Niel Arce.

Tumanggi mang magpaunlak ng panayam ang dalawa, kitang-kita na masaya ang dalawa sa piling ng isa’t isa.

Ang iba pang mga artistang dumalo sa premiere night ay sina Piolo at Inigo Pascual, Maris Racal, Xian Lim, Maricar Reyes at Richard Poon, Angeline Quinto at Erik Santos, at Yeng Constantino at Yan Asuncion.

Nandoon din sina Ritz Azul, KZ Tandingan, Maymay Entrata at director na si Joyce Bernal.

Narito ang ilang litrato mula sa special screening ng “Kita Kita.”