Jake Zyrus, kinabahan sa duet nila ni Jolina

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2017 01:22 PM

MANILA -- Hindi naiwasan ni Jake Zyrus o dating kilala bilang Charice ang kabahan sa pagkakataon na maka-duet ang kanyang idolo na si Jolina Magdangal.

Nitong Miyerkoles sa "Magandang Buhay," ikinuwento ni Charice na bata pa lang siya noong magsimula ang paghanga niya sa aktres. 

"Noong bata pa ako siguro mga 8 or 9 years old nag-mall show si idol sa Laguna, 'yun 'yung mayroon siyang butterfly. Maaga kaming pumunta doon, kaya lang noong dumating siya sobrang daming tao so hindi ako nakasingit. So nandoon ako sa likod ng stage, so sapatos lang po ang nakita ko. Kaya 'yung first time na magkakasama tayo sa Tuguegarao sobrang na-starstruck po ako. Kinakabahan tuloy ako," ani Jake Zyrus bago awitin ang ang "Kapag Ako Ay Nagmahal" kasama si Jolina.

Magandang Buhay, Hulyo 19, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.