Sue Ramirez, mas daring sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 11:28 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinag-uusapan ang mga eksena ni Sue Ramirez sa pelikulang "Cuddle Weather" na official entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP.

Trailer pa lang, ibang level na ang pagiging daring ni Sue na first time gaganap bilang isang prostitute sa pelikula.

Kuwento niya, dumaan siya sa matinding pagpapaalam sa kanyang pamilya bago tanggapin ang proyekto.

"In-explain ko naman po nang mabuti. Siyempre bilang mga artista, hindi naman talaga namin ginagawa 'yung mismong akto, ina-acting namin at pinagmumukha naming totoo, pero we're not really doing it. So role lang talaga siya and naiintindihan naman nila 'yun," sabi pa ng aktres.

"Very, very thankful din po ako sa family ko. They're very supportive ever since and hanging dito nga e I've been venturing into medyo daring role," patuloy pa niya.

Ayon pa kay Sue, ito ang unang beses na gaganap siya ng mature na papel.

"It was a huge step of courage for me to take in this role, it is something I was afraid to take on, but I swallowed all the courage that I had and I said yes to this project without hesitations, kasi ang ganda e," aniya.

Mapapanood ang "Cuddle Weather" simula Setyembre 13-19 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.