PatrolPH

Empoy, nais muling makatrabaho sina Alessandra, Arci, JC at Piolo

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2018 12:35 PM

 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

MANILA -- Ibinahagi ng komedyanteng si Empoy Marquez ang nalalapit na pagtatapos ng seryeng "Since I Found You" na pinagbibidahan niya at nina Alessandra de Rossi, Arci Muñoz, JC de Vera at Piolo Pascual.

Ayon kay Empoy, isang masayang karanasan ang makatrabaho sina Piolo, Arci, JC at Alessandra sa serye at umaasa siyang magsasama silang muli sa ibang proyekto.

"Sobrang masaya ako working with them. Hopefully magka-project ulit kaming lima soon," ani Empoy sa panayam nitong Martes.

Sa ngayon ay abala si Empoy sa pag-promote ng pelikula nila ni Zanjoe Marudo na "Kusina Kings."

Nang matanong kung ano ang iba pa niyang paparating na proyekto, sagot ni Empoy.

"May mga inaayos po pero secret po. Soon," ani Empoy na inaming wala pa rin siyang panahon sa pag-ibig.

"Pero siguro kapag nagkaroon ng bakasyon," aniya.

Ipapalabas ang "Kusina Kings" sa mga sinehan simula Hulyo 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.