Sharon Cuneta, iwas muna sa usaping pampulitika

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 12:57 PM

MAYNILA -- Nagdesisyon ang aktres na si Sharon Cuneta na umiwas muna sa pagbibigay ng komento tungkol sa pulitika.

Matatandaang naging laman ng mga balita si Sharon dahil sa kanyang mga komento para depensahan ang asawang senador na si Francis “Kiko” Pangilinan at anak na si Frankie.

Dahil sa mga pahayag, naging target ng pambabatikos ang aktres.

Sa kanyang post sa Instagram nitong Huwebes, sinabi ni Sharon na iwas muna siya pagdating sa isyu ng pulitika na naging dahilan para mawala ang ilan sa kanyang mga kaibigan at magkaroon siya ng mga kaaway. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

“I am a movie actress, a singer, recording artist, concert performer, a TV show host. I've always hated politics. But I was born into a political family and ended up meeting a former city councilor, married him and he is now in his 3rd term as a Senator of the Republic. How the heck I end up in this world. I am from showbiz. My work, not my life. My life is simple. Comfortable, yes. Very blessed, yes. But simple," ani Sharon.

Dagdag ng aktres: "Politics had made me lose friends and gain enemies. I’ve made my stand. I’ve said my piece to protect my loved ones. That’s it. I’m so done. For now at least. I just want to be my artista singer-host self again. I will distance myself from political issues first, because well, it’s just not my world. Otherwise I would’ve run for public office years ago like my Dad wanted. I’m done. God bless us all." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.