Jolina, alay ay dasal para sa mga manggagawa ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2020 02:30 PM

MAYNILA -- Dasal ang alay ng aktres at host na si Jolina Magdangal para sa mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho matapos na hindi bigyan ng Kongreso ang network ng bagong prangkisa.

Nito lamang Miyerkoles, inanunsiyo na ng ABS-CBN ang pagbabawas ng mga manggagawa

Sa Instagram nitong Biyernes, ipinahatid ni Jolina ang kanyang panalangin para sa mga maapektuhan na kapwa-Kapamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 🍀 Jolina Magdangal Escueta 🍀 (@mariajolina_ig) on

"Panginoon, ipinagdarasal ko po ang lahat ng mga mawawalan ng trabaho sa pagdadaanan nila. Sana po ay gabayan mo sila na harapin ang bukas hanggang sa mawala na ang pangamba sa kanilang puso," ani Jolina.

Dagdag na mensahe ng aktres: "Kapamilya, kapit lang tayo sa Panginoon at makakayanan natin ang lahat."

Noon lamang Biyernes ay 70 mambabatas ang bumoto para hindi na mabigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya network. Tanging 11 mambabatas lang ang matapang na bumoto para bigyan pa ng isang pagkakataon ang ABS-CBN.

Si Jolina ay isa sa mga host ng "Magandang Buhay"' kung saan kasama niya sina Melai Cantiveros at Karla Estrada.

Nitong Miyerkoles, nauna nang nagbigay ng kanyang reaksiyon si Karla sa anunsiyo ng ABS-CBN sa pagbabawas ng mga manggagawa.

Gamit naman ang emojis, ibinahagi ni Melai ang kanyang lungkot sa nangyayari sa kanyang mother network at mga kapwa-Kapamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🥺🥺🥺😔😔😔

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.