Mommy Pinty, sasagutin ang mga basher sa bagong vlog ni Alex Gonzaga

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 07:14 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Alex Gonzaga (@cathygonzaga) on

:

MAYNILA -- Masayang ikinuwento ni Alex Gonzaga ang naging pagtatanggol sa kanya ng kanyang Mommy Pinty laban sa mga basher sa social media.

Matatandaan na kamakailan, hindi napigilan na sagutin ng ina ng magkapatid na Gonzaga ang isang netizen na sinabing "palengkera" si Alex.

"First time kasi niya nakakabasa ng (hate comments). Na-addict siya sa pagsasagot sa online. Tapos sabi ko, 'Mommy, alam mo ba na kinuha na ng mga news site 'yung mga pagsagot mo?', kuwento ni Alex sa naganap na MOR Pinoy Music Awards 2019.

Patuloy pa ni Alex, hindi inakala ng kanyang mommy na magiging issue ang kanyang pagsagot sa nasabing netizen.

"Sabi niya, 'Ha? Paano nila kinuha wala silang tinatanong sa akin, paano nila nakuha 'yun?' Sabi ko, 'Mommy, pi-nost mo 'yun in public. 'Hindi sa kanya ko lang ipinost 'yun.' Invasion of privacy daw 'yun, bakit daw nalaman. Sabi ko, 'Mommy, pinost mo sa lahat.' 'A ganun ba?" masayang kuwento ni Alex.

At dahil sa insidente ng pagsagot ng kanyang mommy sa basher, isang video blog din ang inihahanda ni Alex kung saan itatampok niya ang pagsagot ng kanyang ina sa mga negatibong komento online.

"Siya 'yung mag-read ng mga mean comments. Alam mo naman na medyo marami-rami din 'yun, kaya I'm proud naman," pagbibiro ni Alex.

Sa ngayon, inihahanda rin ni Alex ang bagong awitin na mapapakinggan anytime soon.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.