Maris Racal, wish makatrabaho si KZ Tandingan

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2019 07:12 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on

MAYNILA -- Blessed kung ilarawan ng Kapamilya star na si Maris Racal ang taong ito. 

Kasunod ito ng dalawang pelikula na kanyang pagbibidahan -- ang horror movie na "Block Z" ni Mikhail Red, at "I'm Ellenya L" na bahagi naman ng 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bukod sa mga pelikula, aktibo din ngayon si Maris sa pagsulat ng mga awitin. Isa na dito ang collaboration niya kasama si Rico Blanco na "Abot Langit."

Ayon kay Maris, tuloy pa rin siya sa pagsulat ng awitin para sa planong album.

"Tuloy pa din ang paggawa ko ng songs," kuwento ni Maris sa naganap na MOR Pinoy Music Awards 2019 nitong Martes ng gabi.

"Ngayon mayroon akong bagong single na 'Abot Langit' and mayroon po akong acoustic version. 'Yun po 'yung with the producer, si Rico Blanco, and hopefully isang album," patuloy pa niya.

Dahil tuloy sa kanyang pagsulat ng mga kanta, isang hugot song din ang sinusulat na ni Maris. Aniya kuwento ito ng kanyang mga pinagdaanan sa personal na buhay.

"Pero gusto ko iba 'yung kakanta, para mas kurot," ani Maris.

At bilang composer, mayroon na din napili si Maris na umawit ng kanyang ginagawang kanta.

"Dream ko talaga siya na ang kakanta ng bago kong song, si Ate KZ [Tandingan]. Lagi ko siya nilalambing tungkol diyan. Sabi ko sa kanya, tinatapos ko lang ang song," sabi pa ni Maris.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.