'Tawag' champ Janine Berdin, inilabas na ang first single

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 12:23 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Bigay todo sa pagpe-perform si "Tawag ng Tanghalan" season 2 champion Janine Berdin ng kanyang first single na "Biyaya" sa ilalim ng TNT Records, bagong recording label sa ilalim ng Star Music na magbibigay ng magagandang break sa singers na produkto ng "Tawag ng Tanghalan."

Hanggang ngayon, nasa cloud nine pa rin si Janine sa tagumpay na naabot at mga oportunidad na dumadating sa kanya.

"Dati kasi pangarap ko lang kumanta sa stage ...kaya sobrang happy ako noong tinawag ako ng TNT," ani Janine.

Aminadong fan si Janine ng season 1 TNT winners kaya malaking karangalan sa kanya na makatrabaho ang mga ito sa paparating na mga projects para sa kanila.
 
"Ngayon nandito na po ako, katabi ko na ang mga dating hinahangaan ko po, mga season 1 winners, at nandito na kami isang pamilya," ani Janine.
 
Proud si Janine dahil ang kanyang cover version ng "With A Smile" sa TNTV channel sa Youtube ay mayroon ng 1.4 million views.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.