Aubrey Miles, gusto ng isa pang baby boy

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2018 11:17 AM | Updated as of Jul 17 2018 05:12 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

MANILA -- Isang baby boy ang hiling ng aktres na si Aubrey Miles na ngayon ay buntis sa kanyang pangatlong anak.

Sa pagbisita ni Aubrey sa "Magandang Buhay" nitong Martes, sinabi ng aktres na nais niya at ng kanyang mga anak ng isa pang baby boy.

"Gusto rin ng mga anak ko boy kasi boys sila. Kasi lahat ng side ko puro girls, so parang sanay na ako sa lahat ng babae. Kapag boys parang kaunti lang 'yung boys sa family namin. Parang gusto kong dagdagan 'yung boys. I like 'yung vibes ng boys parang I'm part of them," ani Aubrey na 15 linggo ng buntis sa kanyang long-time partner na si Troy Montero.

Pero giit ng aktres, mas importante pa rin sa kanya na maging malusog ang kanyang paparating na bunso.

"Pero sa akin kung babae, yes. Cliche na sasabihin mo basta healthy, pero totoo 'yon. Pero sa akin gusto ko lang boy kasi 'yun 'yung parang kumportable ako," dagdag ni Aubrey.
 
Pagbabahagi ni Aubrey, matagal niyang hinintay na muling mabuntis. 

"Finally. Ang tagal na naming tina-try talaga, as in. Nine years. Kasi 'yung isa ko 17, tapos nine years old. Tapos ngayon," ani Aubrey.

Dagdag ng aktres, ang kanyang pagbubuntis ngayon ang pinakaiba dahil sa unang beses niyang makaranas ng morning sickness.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.