Julia Montes, may panalangin para sa mga kapwa Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2020 01:09 PM

MAYNILA -- Isang panalangin ang inalay ng aktres na si Julia Montes para sa mga manggagawa ng ABS-CBN.

Nitong Miyerkoles, naglabas na ang ABS-CBN ng pahayag tungkol sa pagbabawas ng empleyado simula Agosto 31, 2020, matapos ibasura sa Kongreso ang pagbibigay ng bagong prangkisa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

'Lord, tulungan N'yo po kami ...hindi na biro ang ginagawa sa aming mahal na tahanan," ani Julia.

"Paano po ang mga anak N'yo na umaasa sa kumpanya? Kami po ay lumalapit na gabayan N'yo po kami sa laban na ito. Imulat ang lahat sa TAMA at TOTOO."

Nagsimula ang karera ni Julia sa showbiz bilang bahagi ng "Goin' Bulilit." Nagsimula naman ang pagsikat niya nang maging bida sila ni Kathryn Bernardo sa remake ng seryeng "Mara Clara" noong 2010. 

Naging parte si Julia ng iba't ibang Kapamilya serye kung saan ang ilan ay kasama niya bilang love team partner ang aktor na si Coco Martin na hanggang ngayon ay patuloy na naiuugnay sa kanya.

Bago ang lockdown dahil sa COVID-19, nagbalik-telebisyon si Julia sa pamamagitan ng seryeng "24/7."
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.