Judy Ann todo-puri kay Coco bilang katrabaho sa 'Ang Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Inihayag ni Judy Ann Santos ang kaniyang paghanga kay Coco Martin bilang katrabaho sa hit seryeng "Ang Probinsyano."

"Nakaka-amaze si Coco panoorin magtrabaho kasi ang intense niyang tao," ani Santos sa panayam ng ABS-CBN News.

"Watching him lead the whole group when he's directing, alam mo, kita mo kung anong laking respeto binibigay sa kaniya," dagdag ni Santos.

Nag-umpisa na ang pag-shoot ni Santos para sa serye.

Sekreto umano ang kuwento ng magiging papel ni Santos sa buhay ni Cardo Dalisay, ang bidang pulis na ginagampanan ni Martin.

"The character, ibang-iba siya from previous roles that I've done before," ani Santos.

Bukod sa "Ang Probinsyano," nakatakda ring gumawa ng pelikula si Santos sa susunod na taon.

Handa na ring ipalabas ang pelikula nila ni Brillante Mendoza, na balitang isa sa mga isusumite sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

"I did that when I was doing [Ang Dalawang] Mrs. Reyes so that was 2 years ago na," ani Santos ukol sa pelikula.

"Naghahanap lang ng perfect timing."

Mapapanood sa susunod na linggo si Santos sa "Ang Probinsyano." -- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.