Deadma sa finger injury, Pia Wurtzbach tuloy sa trabaho

ABS-CBN News

Posted at Jul 16 2019 03:25 PM | Updated as of Jul 16 2019 05:29 PM


MANILA -- Tila hindi naging sagabal para kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang naging injury sa daliri sa kanyang kanang kamay.

Sa naging Instagram post ng Miss Universe titleholder, ibinahagi niya ang "like a pro technique" para itago ang kanyang injury sa kanyang mga ginawang pictorial.

"Managed to conceal it this whole time. I'm just happy I'll never have to pose with my right hand hidden anymore," sabi pa ni Pia sa isang Instagram Story.

"Trying to look cute for the airport. These next couple of weeks will be a little hectic but I'm ready!" sabi pa ni Pia sa post.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on

Masaya din si Pia na matapos ang apat na linggo, ito na ang huling araw na isusuot niya ang kanyang splint o suporta sa kanyang naging injury.

"Tomorrow it finally comes off. I broke my pinky finger," sabi pa ni Pia.

Hindi naman idinetalye ng Pinay Miss Universe ang naging dahilan ng kanyang injury.

Sa ngayon, naghahanda na si Pia sa pagsisismula ng shoot sa kanyang pelikula kasama si Vhong Navarro.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.