Enchong Dee, may panawagan sa mga artista: 'Hindi ito ang oras para manahimik'

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2020 11:13 AM

MAYNILA -- Para kay Enchong Dee, "hindi ito ang oras para manahimik." 

Sa kanyang social media pages, iginiit ni Enchong na hindi siya titigil sa pananalita laban sa kasamaan na nangyayari sa lipunan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

"I’ve been fighting for my country since I was 13. Hindi madali at walang kasiguraduhan pero masarap sa puso," ani Enchong.

"I will do the same for the company which I called home for 15 years. Hindi ako titigil sa pananalita laban sa kasamaan na pumapaligid sa 'tin. Being bashed is a small price to pay to be in the right side of history," dagdag ng aktor.
 
Panawagan naman ni Enchong sa kapwa niya artista, ngayon ang panahon para ipakita ang pagiging Kapamilya.

"Sa mga kasamahan ko sa ABS-CBN, kasama n'yo ko hanggang muling magbukas ang tahanan natin. At sa mga kapwa ko artista, hindi ito ang oras para manahimik, maging totoo tayo sa salitang #kapamilya," ani Enchong.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.