Edward Barber, nagdiriwang ng kanyang ika-20 kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2020 02:11 PM

MAYNILA -- Nagdiriwang ngayon ng kanyang ika-20 kaarawan ang aktor na si Edward Barber.

Gamit ang hashtag #EdwardBarber, ipinakita ng mga tagahanga ng aktor ang pagsuporta at pag-alala sa birthday ng idolo nang mag-trending ito sa Twitter.

Nagsimula ang karera ni Edward sa showbiz nang sumali siya sa programa ng ABS-CBN na "Pinoy Big Brother: Lucky 7" noong 2016. Sa nasabi ring programa nabuo ang love team nila ni Maymay Entrata.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Edward Barber (@edward_barber) on

Nitong Abril, sa isang pahayag ay inamin nina Edward at Maymay na magkaibigan lang sila.

Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Edward nang ihayag niya ang saloobin matapos tululyang patayin ng 70 mambabatas ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.