Vice Ganda, nagbigay-pugay sa 'Brave 11' sa 'It's Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 11:27 AM

MAYNILA -- Nagbigay-pugay si Vice Ganda at iba pang hosts ng "It's Showtime" sa 11 mambabatas na bumoto para mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Ang mga mambabatas na sina Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District; Carlos Isagani Zarate, Bayan Muna party-list; Christopher De Venecia, Pangasinan 4th District; Edward Vera Perez Maceda, Manila 4th District; Gabriel Bordado Jr, Camarines Sur 3rd District; 
Jose "Ping-Ping" Tejada, North Cotabato 3rd District; Lianda Bolilia, Batangas 4th District; Mujiv Hataman, Basilan; Sol Aragones, Laguna 3rd District; Stella Luz Quimbo, Marikina 2nd District; at Vilma Santos-Recto, Batangas 6th District, ay binansagan ngayong the "Brave 11."

"Gusto lang po namin linawin na lahat po ng mga manonood natin, lahat po nang mga pumasok dito na galing sa iba't ibang barangay at distrito ay chineck namin kung ang kanilang mga congressmen ay pasok doon sa 11 na mga kaibigan namin. Charot!" paunang birong hirit ni Vice para sa pagsisimula ng segment na Super FiestStars. 

"Mabuhay ang 11 mambabatas! Habambuhay namin kayong ipagdiriwang!" sigaw ni Vice na sinuportahan naman kanyang mga kasamahang host sa pamamagitan nang pagsigaw ng "mabuhay."

"Dun sa 70, ituloy-tuloy natin ang palabas," ani Vice

Narito ang pasasalamat ni Vice sa 11 mambabatas. Simulang panoorin ang video sa 24:04 hanggang 24:33.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.