Jinkee Pacquiao, nagbalik-tanaw sa simpleng buhay sa Sarangani

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 11:27 AM

MAYNILA -- Nagbalik-tanaw si Jinkee Pacquiao sa simpleng buhay niya dati sa Sarangani.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Jinkee ang mga retrato kung saan kita ang pagsakay nila sa kalabaw at pamamasyal sa lugar kung saan siya lumaki.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

Ayon kay Jinkee, malaki ang pasasalamat niya na muling makabalik sa lugar kung saan siya lumaki. Aniya, masaya ring balikan ang masasayang alaala niya noong kanyang kabataan tulad na lamang nang pagpunta sa bukid at niyugan.

Ayon kay Jinkee, masaya ring maranasan ulit ang kanyang kabataan lalo't kasama niya ang mga anak nila ni Manny Pacquiao.

"Nagpapasalamat ako sa Panginoon na nakablik ulit ako sa lugar kung saan kami nakatira nung bata pa ako, kung saan ako lumaki at nag-aral ng elementary. Ang saya saya lang balikan ang nakaraan kung saan sumasakay kami ng kariton noon. Sinasama kami noon papunta sa bukid sa niyugan ng tatay ko sakay ng kariton at ngayon masaya ako na ma-experience ulit na sumakay kasama ang mga anak ko. Masaya sila na na-experience nila at hindi sila natakot," ani Jinkee na sinabing ibabahagi nila ang kabuuan ng kanilang pagbisita sa kanyang vlog. 

Noong nakaraang linggo ay naging laman ng balita si Jinkee matapos ang kontrobersiyal na post ng aktres na si Agot Isidro tungkol sa mamahaling bisikleta ng mag-asawang Pacquiao.

Ang retrato ng mamahaling bisikleta ay unang ibinahagi ni Jinkee sa kanyang social media page. Ani Jinkee ang mga bisekleta ay regalo sa kanilang mag-asawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.