Melai, nagbigay-pugay sa mga pinuno ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 03:44 PM

MAYNILA -- Isa si Melai Cantiveros sa daan-daang mga artista na nagdadalamhati sa naging aksiyon ng Kongreso na huwag bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Sa Instagram, nagbigay-pugay si Melai sa mga pinuno ng ABS-CBN na mapagkumbabang humarap sa mga naging pagdinig sa Kongreso.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Melai Cantiveros - Francisco (@mrandmrsfrancisco) on

'Maraming salamat po sa aming mga bosses, na naging boses namin sa pakikipaglaban sa pag-renew ng aming franchise. 'Di kami magsasawa na magpasalamat sa inyu. Binastos man kayo nanatili kayong mabubuti at marangal. Ngayon ko naintindihan bakit kayo naging boss nmin. Naalala ko nung kapanalo namin sa 'PBB.' After namin manalo, sabi ni Sir Gabby (Lopez) na 'di namin makakalimutan mag-asawa, "Jason, Melai, sabihin n'yo lang sa akin kung may problema kayo ha. Ako bahala sa inyo,'" ani Melai.

"Sobra. Naramdaman agad namin noon na Kapamilya kami at may-ari pa ng ABS ang kumausap sa amin na ganun. Napatunayan ko na mabait talaga mga boss namin. So much respect po sa inyo. Patuloy ang aming dasal at pananalig na mababalik natin ito. Mahal namin kayo," dagdag ni Melai.

Nagsimula ang karera sa showbiz ni Melai nang maging parte siya at manalo sa "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009.

Sa loob din ng Bahay ni Kuya nagsimula ang relasyon nila nang ngayon ay mister na niya na si Jason Francisco.

Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan ay host ng pang-umagang programa ng ABS-CBN na "Magandang Buhay" si Melai kasama sina Karla Estrada at Jolina Magdangal.

Sa ngayon, ang kanyang pamilya, lalo na ang kanilang mga anak ang pinanggalingan ng katatagan ni Melai sa kabila nang pagdadalamhati dahil sa nangyari sa ABS-CBN.

Nitong Biyernes, tuluyang kinitil sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN kahit pa napatunayan sa mga naging pagdinig na walang basehan ang mga akusasyon laban sa Kapamilya network.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.