ALAMIN: Susunod na proyekto ni Piolo pagkatapos ng 'Since I Found You'

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 10:01 PM | Updated as of Jul 14 2018 08:03 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa puntong "goodbye" at "hello" ang career ngayon ni Piolo Pascual sa nalalapit na pagtatapos at bagong simula ng kaniyang mga proyekto.

Siya na nismo ang nag-anunsiyo na patapos na ang serye nila ni Arci Munoz na "Since I Found You."

“August 3 [is] going to be our last day. In [3] weeks we're done and I can focus more on movies and other stuff, and I'm just really happy because, you know, it has run its course,” aniya.
    
Biyaheng Mindanao agad si Pascual sa Agosto para simulan na ang kanilang pelikula ukol sa giyera sa Marawi, na "pet project" umano nila ng mga kaibigang sina Robin Padilla at Direk Joyce Bernal.

Inamin din niyang ikinalungkot niya na out na sa project si Daniel Padilla dahil nakatali na ito sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

“Even if the person wants to do it, kung hindi ka naman papayagan o may conflict sa schedule, mahirap ipilit 'yun,” ani Pascual.

Nagbigay naman ang aktor ng ilang komento ukol sa kaniyang bagong pelikula. 

“Napakaganda nu'ng pelikula, nu'ng storya, so kahit sinuman ang gaganap doon, masuwerte talaga,” aniya.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.