Jona sumagot sa mga 'nagsasaya' na wala na umano siyang trabaho

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2020 12:37 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JONA (@jona) on

MAYNILA — Bumuwelta nitong Sabado ang Kapamilya singer na si Jona sa mga aniya'y nagsasaya na wala na umano siyang trabaho kasunod ng pagpatay ng Kamara sa franchise application ng ABS-CBN.

Sa isang tweet, tila kinuwestiyon ni Jona ang pagsasaya ng ilang naniniwalang wala na siyang trabaho kasunod ng hindi pag-apruba nitong Biyernes ng mga mambabatas sa franchise application ng Kapamilya network.

"Sa mga tao pong nagsasabi sakin na 'mabuti nga sa'yo, lipat-lipat ka pa kasi, wala ka na trabaho, wala ka [nang] career', wow... that's the kind of spirit Filipinos have? Nagsasaya sa kawalan ng iba?" anang mang-aawit, bagaman hindi na nagbanggit kung sino ang mga nagbitiw ng mga pahayag.

Pinayuhan na lang ni Jona ang mga nagbitiw ng naturang komento na "keep following and be updated."

Sa hiwalay na post, nagpasalamat naman siya sa mga sumuporta sa laban ng Kapamilya network para sa bagong prangkisa.

Noong Pebrero 2016, lumipat si Jona sa ABS-CBN matapos ang isang dekada na pagiging talent ng GMA.

Patuloy na mapapanood si Jona sa "ASAP Natin 'To" tuwing Linggo sa Kapamilya Channel.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.